![]()
Nanguna ang tandem nina dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo at Senador Raffy Tulfo sa hypothetical 2028 tandem match-up survey ng OCTA Research.
Sa first quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, lumitaw na 44 percent ng mga adult Filipino ang nagpahayag ng suporta sa tandem ng Robredo at Tulfo.
Pumangalawa naman sa survey ang tandem nina Sara Duterte at Imee Marcos na nakakuha ng 40 percent na suporta.
Lumitaw din sa survey na 16 percent ng mga respondents ang undecided.
Isinagawa ang survey mula March 19 hanggang 25 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.
Pinakamalaking suporta ang nakuha ng Robredo-Tulfo tandem sa National Capital Region habang ang Duterte-Marcos tandem ay may malaking suporta sa Mindanao.
