![]()
Nilinaw ni Matet de Leon na para sa mga basher ang kanyang “walang mana” post kasama ang mga kapatid na sina Lotlot, Kenneth, at Kiko.
Ipinaliwag ng aktres na sagot niya ito sa mga tao na nagsabing wala silang mana dahil inampon lang sila ng yumaong Superstar na si Nora Aunor.
Binigyang diin ni Matet na hindi nila iniisip ang mana at wala silang hinihingi, at wala silang kine-claim o inaangkin.
Hiniling din nito sa publiko na respetuhin silang magkakapatid dahil nagluluksa pa sila sa pagpanaw ng kanilang ina.
Pumalag din si Matet sa komento na malamang na naging call boy ang kanyang mga kapatid kung hindi sila inampon ni Nora, kaya magpasalamat na lang sila dahil pinakain sila at binihisan.
