![]()
Patuloy na bumababa ang water level sa Angat Dam sa Bulacan ngayong kasagsagan ng tag-init, batay sa datos ng PAGASA.
As of 8 a.m. kanina, nasa 181.35 meters ang antas ng tubig sa dam, mas mataas ng mahigit isang metro sa minimum operating level na 180 meters, kung saan minimized ang irrigation supply para unahin ang domestic water consumption.
Simula April 30, kabuuang 2.77 meters na ang ibinaba ng tubig sa Angat, katumbas ng average daily decrease na 0.40 meter.
Ang Angat Dam ang nagsu-supply ng 90 percent ng tubig sa Metro Manila.
