![]()
Kulang pa na sabihing tumanggap ang BTS ng royal treatment sa kanilang pagdating sa Mexico.
Mismong si President Claudia Sheinbaum ang sumalubong sa South Korean supergroup sa National Palace, bago ang kanilang sold-out na “Arirang” shows.
Iprinisinta rin ang BTS sa presidential balcony, kung saan maraming grupo ng fans ang nagtipon-tipon sa historic center ng Mexico City.
Nangyari ang courtesy call bago ang three shows ng K-pop group sa GNP Seguros Stadium ngayong May 7, 9, at 10.
Ang BTS na binubuo nina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, at Jungkook ay kasalukuyang nasa kanilang “Arirang” world tour na nagsimula noong Abril sa South Korea.
Ni-release ng global superstars ang kanilang comeback album na “Arirang” noong Marso, makalipas ang apat na taong hiatus.
