dzme1530.ph

INFLATION RATE, POSIBLENG TUMAAS PA SA MGA SUSUNOD NA BUWAN

Loading

Posibleng mahigitan pa ang 7.2 percent April inflation rate sa bansa sa mga susunod na buwan.

Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ng ekonomistang si Prof. Emmanuel Leyco na ito ay kung hindi mapipigilan ang pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.

Sinabi ni Leyco na pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation rate ay ang mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Kasabay nito, sinabi ni Leyco na wala sa kapangyarihan ng Department of Energy ang pagtatakda ng presyo ng produktong petrolyo kahit nasa ilalim tayo ng state of national energy emergency.

Ipinaliwanag ni Leyco na dahil sa Oil Deregulation Law, hindi maaaring makialam ang DOE sa ipinapataw na presyo ng mga kumpanya ng langis.

About The Author