dzme1530.ph

RUSSIAN MILITARY, NAGDEKLARA NG UNILATERAL CEASEFIRE SA UKRAINE SA MAY 8 HANGGANG 9

Loading

Magpapatupad ang Russian military ng ceasefire sa Ukraine sa pagitan ng May 8 at May 9.

Kaugnay ito sa pagdiriwang ng Moscow ng World War II Victory Day, ayon sa Russian Defense Ministry.

Sinabi ng ministry na ang ceasefire ay alinsunod sa pasya ng Supreme Commander-in-Chief ng Russian Armed Forces na si Vladimir Putin.

Kasunod ng anunsyo ng Russia, inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na wala silang natanggap na official notice mula sa Moscow.

Magpapatupad din anya ang Ukraine ng hiwalay na ceasefire simula May 5 hanggang May 6.

About The Author