dzme1530.ph

LPA SA LABAS NG PILIPINAS, POSIBLENG MAGING TROPICAL DEPRESSION SA LOOB NG 24 ORAS

Loading

Malaki ang tsansa na maging tropical depression sa loob ng 24 na oras ang isa sa dalawang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 2,595 kilometers east ng northeastern Mindanao.

Habang ang isa pang LPA ay hindi naman nakikitaan ng posibilidad na ma-develop bilang tropical depression sa susunod na 24 na oras.

Ang naturang LPA ay huli namang namataan sa 1,020 kilometers east ng northeastern Mindanao.

Una nang sinabi ng PAGASA na posibleng isa o hanggang dalawang bagyo ang pumasok sa Pilipinas ngayong Mayo.

About The Author