![]()
Kinumpirma ni Eastern Samar Gov. Ralph Vincent ‘RV’ Evardone na may ilang bata ang nasaktan sa naganap na magnitude 6 na lindol sa kanilang lalawigan, kahapon.
Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni Evardone na batay sa mga report na nakakarating sa kanya ay minor lamang ang naging pinsala ng lindol sa kanilang mga imprastraktura.
Tiniyak naman ni Evardone na handa ang kanilang pamunuan na tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga kababayan.
