dzme1530.ph

SOLUSYON SA PAULIT-ULIT NA SIRANG KALSADA SA REGION 5, PINAG-AARALAN NA

Loading

Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Public Works and Highways ang naaakmang solusyon sa problema sa kalsada sa Andaya Highway sa Region 5 na paulit-ulit na ginagawa.

Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni Albay Governor Noel Rosal, mahigit tatlong dekada nang problema ang mga kalsada sa kanilang lugar dahil sa problema sa paggalaw ng lupa.

Tiniyak ng gobernador na patuloy ang pagbalangkas nila ng mga hakbangin upang tuluyan nang maresolba ang suliranin sa kalsada.

About The Author