![]()
Binalikan ng Mexican singer-actress na si Thalía kung bakit isa sa highlights ng kanyang career ang projects nito sa Pilipinas.
Ginawa ito ni Thalía matapos ma-meet ang nation’s girl group na BINI sa Billboard Women in Music ceremony.
Ibinahagi ni Thalía ang naging interaksyon nito sa BINI sa awards ceremony sa pamamagitan ng Instagram.
Ni-lipsync nila ang smash hit na Marimar, nagpalitrato, at nagkwentuhan sa backstage.
Sinabi ni Thalía na na bahagi ng kanyang narating ngayon ang Pilipinas at talagang endless ang pagmamahal ng mga Pilipino kay Marimar.
Tuwang tuwa rin ang Mexican singer-actress na ma-meet ang P-pop powerhouse sa event.
Si Thalía ay tumanggap ng icon award habang ang BINI ay ginawaran ng global force award.
