![]()
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na may sapat pa rin silang pondo para sa mga pamilyang maaapektuhan ng iba’t ibang kalamidad.
Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni DSWD spokesperson Asec. Irene Dumlao na sapat ang resources ng ahensya dahil may iba’t ibang pondo silang pinanggagalingan para sa tulong sa mga Pilipino.
Sinabi ni Dumlao na ang kanilang ipinamamahaging tulong sa mga apektado ng kalamidad ay nagmumula sa Quick Response Fund na maaaring mareplenish.
Kinumpirma rin ni Dumlao na dalawang beses na silang humiling ng replenishment sa pondo.
