![]()
Ngayon Labor Day nangalampag din si 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez sa Kongreso para isabatas ang “Motorcycle Taxi Law”.
Bagaman at protektado umano ng DOTr ang kasalukuyang motorcycle taxi, para sa mambabatas, temporary measure aniya ito at hindi sapat.
Giit ni Gutierrez, kung maisasabatas ang Motorcycle Taxi Law, tiyak na trabaho at magiging legal ang proteksyon sa libo-libong motorcycle taxi workers.
Ipinahinto na ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez ang pagtanggap ng bagong driver at rider sa TNC o Transportation Network Companies at Motorcycle Taxi Pilot Program (MTPP) operators.
Ito’y makaraang matuklasan na sobra-sobra na ang bilang sa authorized quota, dahil sa isinumiteng listahan sa DSWD na bibigyan sana ng ayuda.
Maging ang LTFRB ay binigyan ng direktiba na mahigpit nang ipatupad ang existing regulations at iniutos na pag-aralan ang pagpapataw ng penalties sa mga lalabag.
Para kay Gutierrez, senior vice chair ng Committee on Transportation, tama ang utos ng DOTr, subalit band-aid solution lamang ito kung walang legislative backing.
