![]()
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Labor Day na lilikha ng daang-libong trabaho ang halos 2 trillion pesos na investments na inaprubahan noong nakaraang taon.
Sa 124th Labor Day celebration sa isang mall sa General Santos City, sinabi ni Pangulong Marcos na halos 150,000 na trabaho ang malilikha ng naturang investments.
Aniya, nasa 94 job fair sites ang mag-aalok ng trabaho sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang sa katapusan ng Mayo.
Inihayag din ng pangulo na 6,600 job fairs ang isinagawa simula June 2022 hanggang February 2026, kung saan mahigit 1.5 million job seekers ang na-accommodate.
Kabilang anya rito ang 250,000 na na-hire on the spot.
Idinagdag ni Marcos na patuloy na isinasailalim sa review ang minimum wages sa buong bansa.
