dzme1530.ph

PHILHEALTH, INILUNSAD ANG YAKAP PARA SA MGA MANGGAGAWA

Loading

Kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang “YAKAP para sa mga manggagawa”.

Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni PhilHealth spokesperson Dr. Israel Francis “Ish” Pargas, layon nitong maipaalam sa mas maraming Pilipino ang benepisyo ng YAKAP program.

Ang programa anya ay ang banner primary care benefit program na naglalayong ilayo sa sakit ang mga Pilipino.

Nakapaloob sa programa ang libreng konsultasyon, laboratory tests at mga gamot.

Samantala, nilinaw ni Pargas na bukod sa panganganak, pinalawig din ng PhilHealth ang benepisyo sa iba pang gynecologic procedure tulad ng raspa.

About The Author