![]()
Ligtas na nakauwi ng bansa ang apat (4) na Pilipinong tripulante ng MT Aqua 1, lulan ng commercial flight na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ang huling grupo ng mga tripulanteng pinoy ay sinalubong ng DMW at OWWA upang agad silang bigyan ng tulong pinansyal.
Ayon sa DMW unang nakauwi ang unang batch ng sampung tripulante noong Abril 15, na sinundan ng ikalawang batch noong Abril 22, 2026.
Ang kabuuang 21 Pilipinong tripulante ay sakay ng isang Panama-flagged oil tanker na tinamaan ng missile malapit sa Ras Laffan Industrial Hub sa Qatar noong Abril 1, 2026.
at sa kabutihang palad, walang nasaktan sa mga tripulante.
Tiniyak ng pamahalaan, na patuloy na mabibigyan ng kinakailangang suporta ang mga tripulante upang matulungan sila sa kanilang muling pagsisimula.
Samantala, umabot na sa mahigit 1,200 na mga tripulanteng pinoy na sakay ng mga barko ang nakatawid paalis sa Strait of Hormuz.
Patuloy rin ang pagtiyak ng DMW sa kaligtasan at kapakanan ng mga Filipino seafarers na lulan ng mga barkong naiwan pa sa Persian Gulf bunsod ng pagsara ng naturang daanan.
