dzme1530.ph

HOUSE JUSTICE PANEL, NAKAKITA NG PROBABLE CAUSE PARA MA-IMPEACE SI VP SARA DUTERTE; COMMITTEE REPORT, INIHAHANDA NA PARA PAGBOTOHAN SA PLENARYO

Loading

Inatasan na ni House Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro, ang committee secretary para ihanda ang report kasama ang resolusyon.
 
Kasunod ito ng identical 53 votes sa dalawang complaints na nagsabi na may probable cause to impeach si VP Sara Duterte.
 
Sa atas ni Luistro sa ComSec, bibigyan ng kopya ng committee report ang mga complainants, ang respondent o si VP Sara, at lahat ng kasapi ng Justice panel.
 
Ang findings at final vote ng komite ang hudyat para isumite na sa plenary ang committee report kaakibat ang Articles of Impeachment para pagbotohan.
 
One-third vote o 106 ang kailangang boto mula sa House members para ma-impeach si Duterte at mai-transmit sa Senado ang kaso at sumailalim ito sa paglilitis.
 
Unang isinalang sa botohan ang Saballa et. al complaint, at naging unanimous ang boto ng 53 House members na present sa hearing.
 
Kasunod na sinalang ang Cabrera impeachment complaint, at gaya ng nauna, unanimous din ang buong 53 members ng komite, at ayon kay Luistro, for the record wala ni isa ang nag-register ng pagtutol at abstention.

About The Author