![]()
Aminado ang Department of Energy na malabo pang bumalik sa pre-crisis level na halos 55 pesos kada litro ang presyo ng produktong petrolyo sa kabila ng sunud-sunod na rollback.
Ito, ayon kay Sharon Garin, ay dahil nananatili pa ring mataas at volatile ang global market.
Ipinaliwanag ni Garin na ang mga nakalipas na rollback sa presyo ay bunsod ng short-term fluctuations at hindi ng downward trend.
Iginiit pa ng kalihim na kahit may rollback ay nag-ooperate pa rin ang mga oil company ng replacement cost model.
Nangangahulugan ito na nag-aadjust sila ng presyo batay sa kasalukuyang global costs sa halip na historical purchase prices.
Kaya magtatakda rin aniya sila ng maximum sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
