![]()
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na kabuuang 15 Filipino seafarers ang lulan ng dalawang barkong kasama sa hinarang ng Iranian forces sa Strait of Hormuz.
Tiniyak naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na “safe and unharmed” ang mga Pinoy.
Sampu sa mga Pinoy ang lulan ng Liberia-flagged Epaminondas habang ang lima ay sakay ng Panama-flagged container ship na MSC Francesca.
Hinarang ang mga ito ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran sa Iranian coastline.
Sinabi ni Cacdac na patuloy ang kanilang koordinasyon sa pamilya ng mga seafarers gayundin sa kanilang manning agency at shipowners.
