![]()
LABIS na nababahala si Senadora Imee Marcos sa confirmation of charges ng International Criminal Court o ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Marcos, ang desisyon ng ICC ay naglalantad sa seryosong isyu sa selectivity at fairness ng international justice.
Mahirap anyang balewalain ang pagiging mas agresibo ng ICC sa maliliit o hindi gaanong makapangyarihang bansa, habang tila hindi naaabot ang mas malalakas na estado.
Nakababahala rin anya ang naging pagtrato sa dating pangulo sa loob ng bansa.
Ayon kay Marcos, ang anumang hakbang na tila lumilihis sa mga itinakdang proteksyon ng Konstitusyon upang makamit ang layuning pulitikal ay maaaring magpahina sa tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.
Binigyang-diin niya na mahalaga ang pagsunod sa rule of law at ang pangangalaga sa integridad ng mga prosesong legal upang mapanatili ang kumpiyansa ng mamamayan sa sistema ng hustisya.
