dzme1530.ph

STATE POLICY NA PUMATAY SA MGA SUSPEK, PATUTUNAYAN NG DEFENSE TEAM NI FPRRD SA ICC NA KATHANG-ISIP LAMANG

Loading

Patutunayan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na “complete fiction” o kathang-isip lamang ang sinasabing state policy na pumatay ng mga suspek sa inilunsad na war on drugs.
 
Ito ang tiniyak ng legal counsel ng dating Pangulo na si Atty. Nicholas Kaufman kasunod ng confirmation of charges na inilabas ng ICC Pre-Trial Chamber I.
 
Nagtataka si Kaufman sa desisyon ng chamber gayung ang kaso ng prosekusyon ay nakabatay lamang sa uncorroborated statements ng mga self-confessed murderers.
 
Kinuwestyon din ni Kaufman kung bakit hindi inassess ang kredibilidad ng mga prosecution witnesses sa confirmation hearing.
 
Nakahanda naman aniya silang patunayan na ang mga testigo na suportado ng mga kritiko ng dating Pangulo ay zero weight o walang saysay.

About The Author