dzme1530.ph

UTANG NG MAG-ASAWANG VP SARA AT ATTY. MANS CARPIO NOONG 2024, LUMOBO SA P9.95 MILLION

Loading

Lumobo sa 9.95 million pesos ang liabilities nina Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Mans Carpio noong 2024 mula sa 3.75 million pesos noong 2022.

Ito ay batay sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng Bise Presidente.

Isinumite ng Ombudsman sa House Committee on Justice ang 2022 hanggang 2024 SALN ng Pangalawang Pangulo bilang tugon sa inisyung subpoena para sa pagtalakay sa impeachment complaint laban sa opisyal.

Batay pa sa 2024 SALN ng Bise Presidente, umabot sa 88.5 million pesos ang kanyang net worth.

Kabilang dito ang 66.8 million na real properties at 31.6 million na personal properties.

Mataas ang net worth ni VP Sara noong 2024 kumpara sa 77.5 million pesos noong 2023.

About The Author