![]()
Inamin ni dating vice president at ngayo’y Naga City mayor Leni Robredo na hindi siya kakandidato para sa national post sa 2028 elections.
Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na sigurado na siya sa sarili niya na hindi siya magna-national.
Aniya, marami pa siyang kailangang gawin sa kanyang hometown.
Idinagdag ng alkalde na bagaman mayroon nang mga progreso ay kulang pa ang tatlong taon para maabot ang lahat ng kanyang goals para sa Naga City.
Malaki aniya ang posibilidad na tumakbo siya para sa kanyang second term sa susunod na halalan.
