dzme1530.ph

TAX RECORDS AT BANK TRANSACTIONS, SENTRO NG IMPEACHMENT HEARING BUKAS PARA MATUKOY KUNG MAY PROBABLE CAUSE ANG REKLAMO LABAN KAY VP SARA

Loading

Magiging center stage ng pagdinig bukas ng House Committee on Justice ang financial documents gaya ng tax records at bank transactions para determinahin kung may probable cause ang isyu ng ill-gotten at unexplained wealth.
 
Itinuturing ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts, na “paper trail bombshell” ang SALN, AMLC, SEC at BIR records dahil ang mga dokumento mismo ang magsasalita.
 
Aniya, wala nang star witness na pag-uusapan, o hindi na personalidad ang sentro ng usapan kundi mga dokumento.
 
Kabilang sa mga pinadadalo ay opisyal mula sa Office of the Ombudsman, Securities and Exchange Commission, Bureau of Internal Revenue, at Anti-Money Laundering Council.
 
Ang Ombudsman ang magdadala ng SALN records ni VP, business o corporate records naman ng Duterte-Carpio couple ang sa SEC, habang tax records naman ng mag-asawa ang sa BIR.
 
Para kay Ridon, kung may malaking pagkakaiba mula sa P88-M base sa ITR, bank records at financial statements ng SEC, may problema na ang bise presidente.

About The Author