dzme1530.ph

PUBLIC HEARING PARA SA PETISYON SA DAGDAG PASAHE, IPINATATAKDA

Loading

Isasalang na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa public hearing ang petisyon ng grupong Piston na humihiling ng sampung pisong dagdag sa minimum jeepney fare.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, ipinag-utos na niya ang pagtatakda ng public hearing.

Sinabi ni Mendoza na isasalang ang petisyon sa formal review kung saan iimbitahan ang mga commuter groups at iba pang stakeholders para makapagsumite ng kanilang komento.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang fare adjustments ay ibabatay sa fuel price movements.

Long-standing rule of thumb anya ang pagkakaloob ng pisong fare increase sa bawat sampung pisong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Batay dito, kung sampung pisong dagdag pasahe ang hinihiling, katumbas ito ng 100 pesos na pagtaas sa fuel costs.

About The Author