![]()
Isinagawa ngayong araw ng grupong One Bangsamoro Movement ang unang araw ng kanilang dalawang araw na pagtitipon sa harap ng Supreme Court of the Philippines sa Manila.
Nagsimula ang aktibidad alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, kung saan nagtipon ang mga kalahok upang ipahayag ang kanilang panawagan kaugnay ng mga kasong kinahaharap ng mga Duterte.
Kabilang sa isinusulong ng grupo ang agarang pagdinig sa habeas corpus case ni dating pangulong Rodrigo Duterte, gayundin ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Mahigpit naman ang seguridad sa lugar sa pangunguna ng Manila Police District, kabilang ang presensya ng District Mobile Force Battalion na naka-deploy upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng mga kalahok at ng publiko.
Ayon sa mga organizer, layunin ng pagtitipon na maiparating sa mga kinauukulan ang kanilang panig, habang inaasahang magpapatuloy ang aktibidad sa ikalawang araw nito bukas.
