dzme1530.ph

TATLONG ARAW NA TRANSPORT STRIKE, UMARANGKADA NA

Loading

Sinimulan na ng transport group ang tatlong araw na strike upang ihayag ang kanilang sentimyento sa mataas na presyo ng produktong petrolyo, sa service contracting program, at sa fuel subsidy.

Umarangkada ang protesta ng transport group ng MANIBELA sa gas station sa Philcoa sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City.

Iginiit ng mga miyembro ng MANIBELA na hindi sapat ang sampung pisong kada litrong fuel subsidy upang makaagapay sila sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Binigyang-diin pa ng grupo na dapat gamitin na lamang ang pondo para sa service contracting program sa fuel subsidy sa mga driver.

Dahil sa transport strike, maraming commuters ang naipit at nahirapang makasakay.

About The Author