dzme1530.ph

PAGGASTOS NI VP SARA DUTERTE SA P125MILLION NA CONFIDENTIAL FUNDS SA LOOB NG 24-ORAS, ITINANGGI

Loading

Itinanggi ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang alegasyon na nagastos ng tanggapan nito ang 125 million pesos na confidential funds sa loob lamang ng 24 oras.

Ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., legal counsel ni VP Sara, walang factual basis ang akusasyon ni Ramil Madriaga, ang nagpakilalang dating tauhan at bagman ng Bise Presidente.

Sinabi ni Panelo na walang anumang naging kaugnayan si Madriaga sa confidential funds dahil hindi siya nagsilbing trabahante ni VP Sara.

Bigo rin anya si Madriaga na ipresenta ang mga documentary proof upang suportahan ang kanyang mga alegasyon.

Kinuwestyon din ni Panelo ang kredibilidad ni Madriaga at iginiit na ang sinasabi niyang kaugnayan kay VP Sara ay nakabatay lamang sa mga campaign photos, group Zoom meetings at birthday greeting video.

Hindi anya ito sapat na batayan ng relasyon ni Madriaga kay VP Sara.

About The Author