![]()
Muling maglulunsad ng tatlong araw na nationwide transport strike ang grupo ng MANIBELA bunsod pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, nasa 500,000 jeepney, motorcycle taxi at ride-hailing app drivers ang inaasahang makikiisa sa strike.
Sa Metro Manila, isasagawa ang protesta sa gas station sa Philcoa, Quezon City.
Iginiit ni Valbuena na sa ngayon ay nasa 150 hanggang 200 pesos na lamang ang naiuwi ng kita ng mga driver dahil sa mataas na presyo ng diesel.
Sa kabila anya nito ay band-aid solutions lamang ang naipapatupad ng Department of Transportation at Department of Energy tulad ng service contracting program at fuel subsidies.
