![]()
Pinaranas ni American pop star Katy Perry sa kanyang rumored boyfriend na si former Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang first Coachella experience nito sa pamamagitan ng panonood sa kapwa Canadian na si Justin Bieber.
Sa Instagram, ipinost ni Perry ang ilang bahagi ng kanyang romantic Coachella getaway kasama si Trudeau, na ipinagpalit ang formal suit sa casual white shirt, denim jeans at baseball cap, habang naririnig ang kanta ni Bieber mula sa speakers ng Empire Polo Club.
Isa sa videos na ibinahagi ng 13-time Grammy nominee ay ang eksena kung saan yakap niya si Trudeau mula sa likuran sa mataong venue habang sabay na sumasayaw sa musika.
Kabilang din sa mga litrato na shinare ni Katy ay back shot nilang dalawa ng dating politiko na magkaholding hands habang namamasyal sa festival grounds.
