dzme1530.ph

PAKIKISAWSAW NI ATTY. SALVADOR PANELO SA IMPEACHMENT VS VP SARA, SINOPLA

Loading

Sinupla ni Cong. Terry Ridon ng Bicol Saro Party List si Atty. Salvador Panelo Jr., sa pakikisawsaw nito sa impeachment na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.
 
Ang pahayag ni Ridon ay matapos maliitin ni Atty. Panelo Jr. si Ramil Madriaga at tinawag na “weakest link” at iminungkahe nasuriing mabuti ang testimonya nito.
 
Tanong ni Ridon, sino ba si Panelo para makisawsaw sa impeachment ni VP Sara gayung hindi naman ito bahagi ng defense team.
 
Kung meron man umanong pwedeng mag-challenge sa testinonya ni Madriaga ay walang iba kundi ang Pangalawang Pangulo, kaya mas mabuting dumalo ito sa April 14 hearing.
 
Banat pa ni Ridon, kung naniniwala ang kampo ng bise presidente na ‘weak” ang testimonya, hindi press con ang tamang ginagawa kundi ang dumalo sa pagdinig.

About The Author