dzme1530.ph

PAMPANGA REP. GLORIA ARROYO, ITINANGGING NASA LIKOD NG TANGKANG PAGPAPATALSIK KAY HOUSE SPEAKER BOJIE DY

Loading

Mariing pinabulaanan ni former President at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na nasa likod siya o may alam sa tangkang pagpapatalsik kay House Speaker Faustino Bojie Dy III.
 
Sa pahayag ng dating Pangulo na inilabas sa Facebook page nito, muling nitong pinagtibay ang kumpiyansa sa pamumuno ni Dy sa Mababang Kapulungan.
 
Hindi umano siya bahagi ng anumang tangka na patalsikin ito sa pwesto.
 
Ang kanila umanong “mutual support” na nagsimula maraming taon na ang lumipas sa panahon pa ng namayapang ama ni Speaker Dy ay nananatiling buo o “unbroken.”
 
Kahapon lumutang sa balita na may tangka na namang kudeta sa Kamara, at ang inilutang na pangalan na ipapalit diumano kay Speaker Dy ay si Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

About The Author