dzme1530.ph

PBBM, IPINAG-UTOS ANG AGARANG DISTRIBUSYON NG P8 BILYONG SUBSIDIYA SA MGA BARANGAY

Loading

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang agarang distribusyon ng walong bilyong pisong halaga ng subsidiya para sa 42,000 na barangay upang matulungan ang bawat komunidad sa gitna ng tensyon sa Middle East.
 
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, bawat barangay ay tatanggap ng 200,000 pesos na pondo para sa educational, social at economic projects sa ilalim ng bawat barangay Makikinabang program.
 
Kalahati ng 200,000 funding ay inilaan sa barangay projects kabilang ang street lights, patrol vehicles at closed-circuit television camera at power generators sa mga health centers at evacuation centers.
 
Ang nalalabing pondo ay ilalaan sa Finisher program para sa barangay residents na college seniors upang matiyak na hindi mahahadlangan ng kasalukuyang krisis ang pagtatapos sa pag-aaral.
 
Sa pagtaya, nasa 200,000 graduating college students ang masasagip sa economic dislocation.

About The Author