dzme1530.ph

DOJ, PAIIGTINGIN ANG LABAN KONTRA FAKE NEWS AT DEEPFAKES

Loading

Paiigtingin ng Department of Justice ang kampanya laban sa online disinformation at deepfakes sa pamamagitan ng kasunduang lalagdaan kasama ang Presidential Communications Office at Department of Information and Communications Technology.
 
Nakatakdang isagawa ang MOA signing sa April 13, alas-una ng hapon sa Justice Hall sa Maynila, na inaasahang dadaluhan ng mga kalihim ng tatlong ahensya.
 
Layunin ng kasunduan na palakasin ang koordinasyon sa pagtukoy, pagsugpo, at posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon at digitally manipulated content.
 
Kasabay ito ng tumitinding problema sa fake news sa social media na may direktang epekto sa publiko.

About The Author