![]()
Sisikapin ng gobyerno na hilingin sa mga food manufacturer na huwag munang magtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.
Sa gitna ito ng ulat ng Department of Trade and Industry na may ilang mga bilihin na ang magtataas ng presyo epektibo sa April 16.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na muling makikipagpulong si DTI Secretary Christina Roque sa mga food manufacturer upang makumbinsi na huwag munang magtaas ng presyo.
Gayunman, aminado ang Malacañang na may mga pagkakataon na hindi na mapipigilan ang taas-presyo dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Nangako naman ang Malacañang na patuloy na gagawa ng mga hakbangin upang maibsan ang epekto ng krisis.
