dzme1530.ph

PNP, NAGPADALA NG TEAM PARA SA BATANG TAGA-CAMARINES SUR NA HUMINGI NG TULONG KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Nag-deploy ang PNP ng team na tutulong sa labing-isang taong gulang na batang babae mula sa Camarines Sur na nagpasaklolo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa umano’y pang-aabuso ng isang barangay official.

 

Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez  Jr. na agad silang nagpadala ng specialized team mula sa Women and Children’s Protection Center (WCPC) upang matiyak ang kaligtasan ng bata.

 

Idinagdag ni Nartatez na hindi nila ito palalampasin, at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of the Interior and Local Government para sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon.

 

Ayon sa PNP, nangangalap na ang mga imbestigador ng ebidensya upang matukoy ang mga kasong kriminal laban sa inakusahang barangay kagawad.

 

Sa petsang March 30, inakusahan ng estudyante ng panggagahasa ang anak at aide ng kagawad, pati na pagbabanta at harassment laban sa mga bata sa kanilang komunidad.

About The Author