![]()
Pinabulaanan ni Eman Bacosa Pacquiao na patungkol kay Jillian Ward ang kanyang cryptic repost sa TikTok.
Nilinaw ng Sparkle star na ang kanyang deleted na ngayong repost na “I can fight 100 men who want you, but I can’t fight a guy you want”, ay hindi para sa aktres o kung sinuman.
Paliwanag ni Eman, ang kanyang post ay para sa kanyang pamilya at mga kaibigan, at dahil close friend niya si Jillian ay susuportahan niya ito at poprotektahan.
Bagaman nananatiling mailap si Eman tungkol sa tsismis na nililigawan niya si Jillian, inamin niya na nagbigay ng motivation at inspirasyon sa kanyang boxing match sa Bohol ang presensya ng aktres.
