dzme1530.ph

PNP, NAKAALERTO PA RIN SA IKALAWANG ARAW NG TRANSPORT STRIKE

Loading

Tiniyak ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na nananatili sa high alert ang kanilang pwersa sa ikalawang araw ng nationwide transport strike.

 

Sinabi ni Nartatez na nananatili ring “generally peaceful and orderly” ang transport strike na nagsimula kahapon.

 

Inorganisa ng transport group na Piston ang tigil-pasada upang ipanawagan ang kanilang hinaing sa lumolobong presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

 

Idinagdag ng PNP chief na handa rin ang mga awtoridad na tumugon sa anumang maaaring mangyari sa mga rally.

 

Binigyang-diin ng PNP ang kanilang commitment na respetuhin ang right to peaceful assembly habang ipinatutupad ang public order.

About The Author