dzme1530.ph

PRESYO NG DIESEL, PINANGANGAMBAHANG PAPALO SA P130 KADA LITRO SA SUSUNOD NA LINGGO

Loading

Panibagong double-digit na increase sa presyong diesel ang inaasahan sa susunod na linggo.

 

Ayon sa industry sources, tinatayang madaragdagan ng ₱14 hanggang ₱14.50 ang kada litro ng diesel.

 

Dahil dito, nagbabadya na sumampa sa ₱130 per liter ang presyo ng diesel, kasunod ng increase na mahigit ₱20 per liter ngayong linggo.

 

Samantala, posibleng tumaas ng ₱7 hanggang ₱7.50 per liter ang presyo ng gasolina, kaya maaaring umabot din sa mahigit ₱100 ang kada litro nito sa susunod na linggo.

 

Ang estimates ay batay sa apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapore at posibleng madagdagan pa dahil may isa pang natitirang trading day. 

About The Author