![]()
Pinatunayan ng celebrity couple na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na timeless ang kanilang pagmamahalan.
Sa pamamagitan ito ng pag-renew ng kanilang vows sa kanilang 25th wedding anniversary.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, ipinasilip ng kaisa-isang anak ng mag-asawa na si Jayda, ang vow renewal ng kanyang mga magulang.
Sa video, makikitang nagsasayaw sina Jessa at Dingdong habang tumutugtog ang “The Last Time” ni Eric Benet.
Sa hiwalay na video na ibinahagi ng Nice Print Photo, sinabi ng actress-singer na wala siyang clue tungkol sa vow renewal dahil inililihim ito sa kanya ng kanyang mister bilang sorpresa.
