dzme1530.ph

HANGGANG 300,000 BARRELS NG DIESEL, IDI-DELIVER SA PILIPINAS SA SUSUNOD NA LINGGO, AYON SA DOE

Loading

Naka-order na ang Pilipinas ng 250,000 hanggang 300,000 barrels ng diesel mula sa hindi tinukoy na Southeast Asian country, at maidi-deliver ito sa bansa sa susunod na linggo.

 

Kinumpirma ni Energy Secretary Sharon Garin na ang order ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan na tulungan ang private oil firms sa pagbili ng future supplies ng langis.

 

Sinabi rin ni Garin na patuloy na naghahanap ang pamahalaan ng iba pang sources sa pamamagitan ng government-to-government scheme, subalit ang produkto ay ibebenta sa private oil firms.

 

Sa kabila ng reports na tatagal lamang hanggang sa kalagitnaan ng Abril ang fuel supply, tiniyak ng energy chief sa consumers na ang kasalukuyang supply ay kakasya pa hanggang katapusan ng susunod na buwan.

 

Gayunman, mas mapapabilis aniyaa ang pagkaubos ng supply kung magkakaroon ng hoarding o unnecessary purchase ng mga consumer at negosyo.

About The Author