dzme1530.ph

LABIS NA PAGGAMIT NG CELLPHONE, INIUGNAY SA ‘DISORDERED EATING’ NG MGA KABATAAN

Loading

Nagbabala ang mga eksperto na ang labis na paggamit ng smartphones ay direktang nauugnay sa emotional eating at kawalan ng kontrol sa pagkain ng mga kabataan.

 

Sa pagsusuri sa mahigit 52,000 kalahok, ang mga babad sa cellphone nang mahigit pitong oras kada araw ay mas prone sa food addiction at body dissatisfaction.

 

Ayon kay Prof. Ben Carter, ang pagkaka-expose sa mga idealized images sa screens ang sumisira sa self-esteem ng mga teenager.

 

Sa Journal of Medical Internet Research, binigyang-diin na ginagamit ng maraming kabataan ang pagkain bilang paraan ng pag-cope sa stress mula sa digital world.

 

Kailangan anya ng maagang interbensyon para sa digital balance at maiwasan ang malalang problema sa kalusugan partikular sa mga kabataan.

About The Author