![]()
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na daragdagan ng pamahalaan ang tulong sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.
Ito’y matapos niyang ipag-utos na suspendihin ang pisong taas-pasahe sa gitna ng paglobo ng presyo ng produktong petrolyo.
Sinabi ni Marcos na sinisikap ng gobyerno na maghanap ng iba pang mga paraan para makapagbigay ng mga subsidiya.
Gayunman, ang problema aniya ay masyadong malikot ang presyo ng langis, subalit kahit paano ay napapagaan naman ang epekto ng krisis sa Middle East.
