dzme1530.ph

FLIGHT SCHEDULE NG CATHAY PACIFIC MULA AT PAPUNTA NG DUBAI, SINUSPINDE-CAAP

Loading

Isinasaalang-alang ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang anunsyo ng Cathay Pacific hinggil sa pansamantalang pagsususpinde ng mga flight nito papunta at mula sa Dubai hanggang Abril 30, 2026, dahil sa tumitinding sitwasyon sa seguridad sa Middle East.
 
Ayon sa CAAP sa kasalukuyan, walang direktang epekto sa operasyon ng paliparan ng Pilipinas.
 
Gayunpaman, ang mga pasaherong may connecting flight sa pamamagitan ng mga apektadong Middle East hub ay mahigpit na pinapayuhan na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline para sa posibleng rebooking, rerouting, at updated na travel advisories.
 
Patuloy na sinusubaybayan ng CAAP ang mga update at nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa international aviation at airlines operator upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero at crew.

About The Author