![]()
Ngayon pa lang ay pinalalakas na ng pamahalaan at oil companies ang fuel inventories para sa buwan ng Mayo.
Pahayag ito ni Energy Secretary Sharon Garin, sa pagpasok ng Iran war sa ikatlong linggo at patuloy na nagbabanta sa global oil supply.
Ayon kay Garin, sapat ang fuel supply ng bansa para ma-cover ang demand hanggang sa katapusan ng Abril, subalit sinusubukan na ng mga kumpanya ng langis na ma-secure ang stocks para sa Mayo.
Sa kasalukuyan ay obligado ang oil companies na ma-maintain ang at least 30-day inventory ng crude oil at 15-day inventory ng finished petroleum products.
