dzme1530.ph

PANUKALANG PARA SA PAGSUSUOT NG BODY-WORN CAMERA NG MGA LAW ENFORCERS, LUSOT NA SA SENADO

Loading

Lusot na sa 3rd and final reading ng Senado ang panukalang nagmamandato sa lahat ng law enforcers na magsuot ng body-worn camera sa tuwing may opisyal na operasyon.

 

Sa botong 21 pabor, walang tumutol at walang abstention, inaprubahan ng Mataas na Kapulungan ang Senate Bill 1908.

 

Sinabi ng sponsor ng panukala na si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman JV Ejercito na sa pamamagitan ng pagsusuot ng body-worn cameras ay matatanggal ang pagdududa laban sa mga pulis at mapapangalagaan ang karapatang pantao ng mamamayan.

 

Saklaw ng pagsusuot ng body cam ang lahat ng tauhan ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine Drug Enforcement Agency.

 

Itinatakda rin sa panukala ang minimum technical standards para sa mga gagamiting camera.

 

Nagtakda rin ng parusa sa lahat ng lalabag, kabilang ang hindi awtorisadong access sa recordings, negligent disclosure, tampering, pagsira, at iba pang hindi tamang paggamit ng footage.

About The Author