dzme1530.ph

PISO HANGGANG 40 PESOS NA DAGDAG-PASAHE SA PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON, INAPRUBAHAN NG LTFRB

Loading

Piso hanggang kwarenta pesos ang dagdag na pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, epektibo sa araw ng Huwebes, March 12.

 

Ito ang kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Assistant Secretary Vigor Mendoza II.

 

Sinabi ni Mendoza na piso ang inaprubahang dagdag na pasahe sa traditional jeepney habang dalawang piso sa modern jeepney.

 

Ipinaliwanag ni Mendoza na ikinunsidera nila ang interes ng transport sector kasabay ng pagbalanse sa kapakanan ng mga pasahero sa pag-apruba sa dagdag na pamasahe.

 

Inaprubahan din ang 40 pesos na dagdag-pasahe sa airport taxi habang 20 pesos sa ride-hailing vehicles at 15 pesos sa point-to-point buses.

 

Wala pa namang inaaprubahang dagdag-singil sa motorcycle taxis bagama’t may petisyon na rin ang kanilang mga operators.

About The Author