dzme1530.ph

NATIONAL UNITY PARTY (NUP), NAGHIHIMUTOK SA URI NG PAMUMUNO NI HOUSE SPEAKER BOJIE DY

Loading

Naghayag ng pagkadismaya ang National Unity Party sa sistema ng pamumuno ni House Speaker Faustino Bojie Dy III. 

 

Sa isang press conference, nagbanta si NUP Chairman, Deputy Speaker Ronaldo Puno na pinag-iisipan nila ang tumawid sa minority group. 

 

Ilan sa reklamo umano ng NUP ay ang kawalan ng panahon ni Spkr. Dy na alamin ang hinaing ng mga kongresista. 

 

Sakali man umano na makausap sila ay puro pangako din lamang ang nangyayari, dahil wala namang budget ang bumababa sa mga congressional districts. 

 

Ang NUP ang second biggest political party ngayong 20th Congress dahil meron itong 40 halal na kongresista.

About The Author