![]()
Magpapakalat ang PNP ng mahigit 54,000 na personnel bilang bahagi ng security preparations para sa nalalapit na summer vacation.
Sa press briefing, sinabi ni PNP Directorate for Operations’ Public Safety Division Chief, Police Colonel Anna Liza Macapinlac, na magsisimula ang deployment sa March 29 hanggang May 31.
Aniya, kabuuang 54,989 personnel nationwide ang ide-deploy sa buong bansa, na kinabibilangan ng 36,163 PNP personnel; 4,738 mula sa augmented units; at 14,088 members mula sa auxiliary groups at force multipliers.
Ipinahayag ni Macapinlac na popostehan nila ang mga tourist destinations, transport terminals, major highways, seaports, airports, at iba pang pampublikong lugar upang mapanatili ang seguridad, kapayapaan, at kaayusan.
Layunin ng Oplan Summer Vacation 2026 ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng mga residente, biyahero, at mga turista, kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga magbabakasyon sa iba’t ibang panig ng bansa. | via Lea Soriano-Rivera
