dzme1530.ph

TULOY-TULOY NA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA BOGO CITY SA CEBU, TINIYAK NI PANGULONG MARCOS

Loading

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Learning Continuity Space (LCS) at rollout ng Yakap sa Kalinga Caravan sa Bogo City, sa Cebu.

 

Ginanap ang event sa Marcelo B. Fernan-Polambato Elementary School, kanina.

 

Nais ni Pangulong Marcos na matiyak na magpapatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa lugar, sa kabila ng naranasang epekto ng malakas na lindol noong nakaraang taon.

 

Nagbigay din ang Office of the President ng Starlink internet kit at halos 200 school bags para sa kindergarten at Grade 1 pupils.

 

Suportado ng naturang hakbang ang learning continuity at pagbibigay ng primary healthcare services sa mga mag-aaral, guro, at lokal na komunidad kasunod ng magnitude 6.9 na lindol na tumama noong Sept. 2025.

About The Author