![]()
Wala pang plano ang Japan na mag-deploy ng naval vessels para mag-escort ng mga barko sa Middle East.
Pahayag ito ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi matapos manawagan si US President Donald Trump sa mga kaalyado na tumulong sa pag-escort ng mga tankers na dadaan sa Strait of Hormuz.
Sinabi ni Takaichi na patuloy pang pinag-aaralan ng Japan kung ano ang magagawa nito independently at pasok sa legal framework.
Idinagdag ng Japanese Prime Minister na wala pang formal request for assistance ang United States.
